Manila, Philippines – Mas sa balikat ni Paulo Avelino nakaatang ang responsibilidad na linisin ang pangalan ng sexy actress na si Rhen Escano laban sa mga bashers nito.
Ito ang paninindigan mismo ng manager ni Rhen na si Aster Amoyo.
Nagsimula kasing i-bash ng mga KimPau fans ang kanyang alaga dahil may kumalat na fake news.
Ayon sa pekeng balita, si Rhen daw ang either nobya o malapit sa puso ng aktor.
Dahil dito, the KimPau fans are up in arms against Rhen.
Umabot pa nga raw sa “bastusan” na ang nangyayari dahil ikinakalat ang clips ng pelikulang Adan ni Rhen.
As far as Aster knows daw, wala siyang natatandaang nagkasama man lang sa isang event sina Rhen at Paulo.
Obyus na hindi kinakaya ni Rhen ang sobrang pamba-bash sa kanya to the point na iniiyakan niya raw ito.
“Nakakaawa ‘yung bata,” ani Aster na apektado daw sa pagiging judgmental ng ilang tao.
“Unfair ‘yon! I think Paulo has to step in para linisin ang pangalan ni Rhen!” dagdag ni Aster.
Sa ngayon daw ay pinag-aaralan nila kung magsasampa ng kasong cyber libel si Rhen laban sa kanyang mga bashers.
Narinig mo ‘yan, Paulo, ha?
The least you can do is to clear Rhen’s name out of being a real gentleman. Ronnie Carrasco III