Paris, France – Nagdilang-anghel ang pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines na dalawang medalyang ginto ang maiuuwi ni Carlos Yulo.
Hinulaan kasi ni Cynthia Carreon–who Carlos addresses as Ma’am Cynthia–that he’d come home with a double gold victory mula sa Paris Olympics.
Ito rin ang Ma’am Cynthia na lubos na pinagkakatiwalaan ng binansagang Golden Boy sa kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang mga napanalunan.
Sa ngayon, aabot na kasi sa mahigit na P60 milion ang cash at property incentives ang total na mapapasakamay ni Carlos, P32 million of which ay guaranteed na.
Maging ang unang napaulat na P26 million na halaga ng condo unit ay in-upgrade na sa P32 million ng real estate company.
Asked what he’ll do with all his winnings, ani Carlos ay i-invest daw niya ang iba roon, the rest ay itatabi raw niya para sa kanyang kinabukasan.
Katwiran niya, hindi raw habambuhay ay atleta siya.
But one thing’s for sure, pagkatapos raw ng lahat ng ito’y tututukan muna niya ang personal na aspeto ng kanyang buhay.
In particular, Caloy will zero in on his physical and mental health dahil inamin niyang dumaan siya sa stress.
This will make Carlos buy ample time in prepping up for the Los Angeles Olympics in 2028, na tiniyak na niya.
Bago kaya ito’y magkaayos na sila ng kanyang ina?
Speaking of whom, may panawagan ang award-winning film director na si Joey Reyes sa media na huwag na itong bigyan ng espasyo.
If interviews with Angelica Poquiz Yulo can’t be helped, sige, okey lang.
Huwag na lang natin siyang pakinggan, let alone paniwalaan! Ronnie Carrasco III