Home NATIONWIDE Yulo pagkakalooban ng P20M ng PAGCOR; P10M sa coach

Yulo pagkakalooban ng P20M ng PAGCOR; P10M sa coach

100
0

MANILA, Philippines – Pagkakalooban ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) alinsunod na mandato nito , ng halagang P20 milyong reward ang Filipino gymnast na si Carlos Yulo sa kanyang pagkapanalo ng dalawang Olympic gold medals sa floor at vault events sa men’s artistic gymnastics.

Sinabi ni PAGCOR chief Al Tengco na ang gaming corporation ay naatasan na magbigay sa atleta na nanalo ng gintong medalya ng tig P10 milyon sa bawat gold medals.

Ginawa ni Tengco ang anunsyo sa PAGCOR presentation ng kanilang kita bago ang House appropriations panel nitong Martes.

Gayundin, sinabi ni Tengco na ang coach ni Yulo at personal trainer ay mabibigyan din ng P5 milyon incentive kada napanalunang gold medal.

Ang double-gold winning na nasungkit ni Yulo sa Paris ay ang kauna-unahan sa Pilipinas mula nang lumahok ang bansa sa Summer Games noong 1924.

Bukod sa P20 milyon, nakatakda ring tanggapin ni Yulo ang iba pang incentives kabilang ang three-bedroom unit sa isa sa pangunahing residential properties sa loob ng McKinley Hill mula sa Megaworld.

Samantala, ang House of Representatives ay mag-a-award din ng humigit-kumulang P6 milyon kay Yulo.

Sinabi ni Tengco na ang Olympic silver medalist ay makakatanggap ng P5 milyon incentive, habang ang coach at trainer ng Olympic silver medalist ay makakatanggap ng tig P2.5 milyon.

Makakatanggap naman ng P2 milyon ang Olympic bronze medalist. Ang coach at trainer ng Olympic bronze medal winner ay makakatanggap din ng P1 milyon, ayon sa pagkakasunod. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here