Home ENTERTAINMENT Sweet, kinundena ang mga umalipusta kay Josh!

Sweet, kinundena ang mga umalipusta kay Josh!

1
0

Manila, Philippines – Marami ang nag-react sa ginawang panlalait ng hosts ng podcast ng Machong Chismisan sa anak ni Kris Aquino na si Josh.

Pinagkumpara kasi nila si Bimby sa kuya niya na isang special child, na tinawag na ‘walang kwenta.’

Maraming netizens ang kinondena ang nasabing pangungutya ng podcasters sa panganay ni Kris at tinawag ang mga itong insensitive.

Maging ang actor at director na si John “Sweet” Lapus ay umalma sa mga tinuran ng nabanggit na podcasters.

“I love Joshua or any people na sa spectrum, they should be loved, they are special. Kaya nga special person, hindi yan pinagtatawanan, hindi pina-punch line. Napaka insensitive!” ani John.

Ayon pa kay Lapus, hindi dapat ginagawang punchline ang kapansanan ng isang tao.

Nanawagan din siya sa mga nasasangkot na humingi ng tawad sa kanilang ginawa.

Si John ang sumulat ng “True To Life” na kalahok sa unang edisyon ng Teatro Panalo na aniya’y pagpapatuloy ng kanyang matagumpay na Virgin Labfest entry na “Taksyapo”.

Si Sweet ay lehitimong produkto ng Teatro Tomasino.

Natutuwa rin siya sa pamamayagpag ng teatro at live performances na nagbibigay ng pagkakataon sa mga artista sa telebisyon at pelikula na makatawid sa ibang medium.

“Hindi ko alam kung ito talaga yung ultimate direction but one thing l can assure you, tuwang-tuwa ako at proud na proud at the same time that theater is booming,” aniya. “Iyong mainstream actors nabibigyan ng oportunidad na ma-explore ang ibang medium at makatawid sa entablado,” dugtong niya.

Ang kanyang obrang “True To Life” na isa sa finalists sa kauna-unahang edisyon ng Puregold Teatro Panalo ay mapapanood na mula Pebrero 20 hanggang Marso 14, 2027 sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Bukod sa pasabog na kuwento, kaabang-abang din daw ang napipisil niyang cast na pagbibidahan ng isang award-winning actress na first time na sasabak sa entablado. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here