Home NATIONWIDE Inputs sa pagbawas ng holiday sa bansa pinaplantsa ng DOLE

Inputs sa pagbawas ng holiday sa bansa pinaplantsa ng DOLE

166
0

MANILA, Philippines- Handa ang labor department na magbigay ng inputs sa mungkahi ni Senate President Francis Escudero na bawasan ang bilang ng holiday sa bansa.

Sa press briefing, sinabi ni Labor secretary Bienvenido Laguesma na kinikilala niya ang pagkabahala ng senador sa napakaraming holiday na nakaaapekto sa produktibidad ng mga industriya.

Samantala, sinabi ni Escudero na ang mga mangaggawa ay nararapat ding magpahinga.

Ang bansa ay may 10 legal holidays–New Year’s Day (Jan. 1); Maundy Thursday ; Good Friday ( taon-taon) ; Araw ng Kagitingan (April 9); Labor Day (May 1); Independence Day (June 12); National Heroes Day (huling Lunes ng August); Bonifacio Day (Nov. 30); Christmas Day (Dec. 25) at Rizal Day (Dec. 30).

Ang dalawang pangunahing holiday ng Islam — Eid’l Fitr at Eid’l Adha — ay mga regular na holiday alinsunod sa Republic Act (RA) 9177 at RA 9849, ayon sa pagkakabanggit.

Sa ilalim ng Proclamation 368 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Oktubre ng nakaraang taon, mayroong walong espesyal na araw na walang pasok para sa 2024 — Chinese New Year (Peb. 10); Black Saturday (Marso 30); Araw ng Ninoy Aquino (Aug. 21); All Saints’ Day (Nob. 1); All Souls’ Day (Nob. 2); Kapistahan ng Immaculate Conception of Mary (Dis. 8); Bisperas ng Pasko (Dis. 24) at Bisperas ng Bagong Taon (Dis. 31).

Sinabi ni Escudero na nauna nang sumang-ayon ang Senado na suriin ang bilang ng mga holiday na aniya ay nakaaapekto sa produktibidad.

Samantala, sinabi ni Federation of Free Workers (FFW) President Sonny Matula na hindi na kailangan ng bagong batas para bawasan ang holiday dahil ang mga employer ay may opsyon na i-require ang mga mangaggawa na magtrabaho sa holiday, kung magbabayad sila ng premium para sa trabahong ginawa sa araw na iyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here