CAMP DANGWA, Benguet- Winasak ng mga pulis ang marijuana plants na nagkakahalaga ng P12.5 milyon sa eradication operations sa mga lalawigan ng Kalinga at Benguet mula Agosto 7 hanggang 8.
Sa Tabuk City, Kalinga, nadiskubre ng mga pulis ang 52,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P10.4 milyon sa Barangay Nambaran.
Natuklasan din ng mga awtoridad ang 10,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga naman ng P2 milyon sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Walong daang marijuana plans na nagkakahalaga ng P160,000 ang natagpuan sa Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet.
Base sa Police Regional Office-Cordillera, binibigyang-diin ng mga matagumpay na operasyon ang kanilang patuloy na commitment laban sa ilegal na droga at pagtitiyak sa kaligtasan ng mga lokal na komunidad. RNT/SA