Home SPORTS PH pole vault event  bahagi na ng World Athletics calendar

PH pole vault event  bahagi na ng World Athletics calendar

157
0

Sa wakas ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na makita ang pole vaulting sa pinakamataas na antas nito kapag ang isang event ay ipinakita sa World Athletics Continental Tour na gaganapin sa Makati sa taong ito.

Dahil na rin kay Filipino pole vault ace EJ Obiena kaya sumikat ang pole vault sa bansa.

Ang pinakahuli ay ang Paris Olympics kung saan bigo si  Obiena na makuha ang ang medalya sa kanyang huling pagsubok sa 5.95 metro.

Naging instrumento si Obiena sa pagdadala ng event sa Maynila bagama’t hindi pa sigurado kung pupunta si Duplantis dito para makipaglaban.

Nakalista na ang event sa World Athletics website sa ilalim ng pangalang Philippine International Pole Vault Challenge, kung saan nakalista ang Ayala Triangle Gardens sa Makati City bilang venue.

Ang kaganapan ay pinagsama-sama bilang isang Challenger, ang ikaapat na baitang sa apat na antas ng kompetisyon sa likod ng Gold, Silver, at Bronze ng World Athletics Continental Tour.

Ang Challenger series ay nasa Category D sa lahat ng event na pinapahintulutan ng World Athletics na niraranggo kasama ng third-tier Regional Championships, Championships, at Cups, at National Senior Championships.

Ang kaganapan ay inaasahang magbibigay ng sigla sa athletics sa bansa na ang karaniwang hilig ay basketball at volleyball, kung saan ang mga Pilipino, sa kasamaang-palad, ay hindi kailanman naging prominente sa pandaigdigang yugto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here