LUCENA CITY – Narekober ng pulisya ang tinatayang isang kilo ng hinihinalang shabu (crystal meth) na maaaring nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa baybayin ng bayan ng Lian sa lalawigan ng Batangas nitong Martes ng umaga, Agosto 13.
Base sa ulat ng Police Region 4A na ang isang alyas “Marlon,” isang miyembro ng barangay intelligence network, ay nakakita ng isang selyadong kulay abong plastic na may mga Chinese character sa baybayin ng Barangay Luyahan habang nagsasagawa ng coastal clean-up sa harap ng isang resort bandang 7:20 a.m.
Nang buksan ni Ilagan ang selyadong plastic, nakita niya ang isang vacuum-sealed white crystalline substance na hinihinalang shabu sa loob ng transparent plastic container.
Agad niyang ipinaalam sa lokal na awtoridad ang tungkol sa pakete.
Sinabi ng pulisya na ang crystalline substance ay tumitimbang ng isang kilo at nagkakahalaga ng P6,800,000 sa valuation ng Dangerous Drugs Board kung makumpirmang shabu.
Dinala ang nakuhang substance sa police laboratory para sa confirmatory test. RNT