MANILA, Philippines – Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na magtatalaga ng acting officials sakaling matanggal si suspended Bamban Mayor Alice Guo at 12 iba pa.
Pero kung maglabas ng restraining order ang mataas na Hukuman, ang papalit Kay Guo ay ang Vice mayor bilang epekto ng rule on succession.
Gayunman, bukod sa pagtanggal kay Guo, ipinag-utos din ng Ombudsman ang tatlong buwang suspensyon ng 12 iba pang opisyal sa Bamban kasama si Vice Mayor Leonardo Anunciacion.
Bilang resulta, sinabi ni Garcia na dapat magtalaga ang Governador ng acting officials.
Sa 25 pahinang desisyon na inilabas sa media noong Martes, ipinag-utos ng Ombudsman ang dismissal o pagtanggal kay Guo dahil sa grave misconduct.
Inalis ng Ombudsman si Guo mula sa serbisyo maging ang lahat ng kanyang mga benepisyo sa pagreretiro pati na rin ang perpetual disqualification mula sa public office.
Sinuspinde rin ng Ombudsman ng tatlong buwan ang sumusunod na mga opisyal matapos silang mapatunayang nagkasala sa pag-uugaling nakapipinsala sa pinakamahusay na interes ng serbisyo.
Kabilang rito sina Bamban Vice Mayor Leonardo Anunciacion, Business Permit and Licensing Officer Edwin Ocampo,
Municipal Legal Officer Adenn Sigua
Sangguniang Bayan member Johny Sales
Sangguniang Bayan member Jayson S. Galang
Sangguniang Bayan member Nikko T. Balilo
Sangguniang Bayan member Ernesto Salting
Sangguniang Bayan member Jose M. Salting Jr.
Sangguniang Bayan member Robin Mangiliman
Sangguniang Bayan member Jose Casmo Aguilar
Sangguniang Bayan member Mary Andrei Lacsamana, at