WALANG dapat na ikabahala ang publiko lalo na ang mga mambabatas sa pagtaas ng utang ng Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Department of Finance Secretary Ralph Recto sa Senate Finance Committee, araw ng Martes na ang tumataas na national debt levels ay katumbas lamang ng lumalagong ekonomiya ng bansa.
Araw ng Martes nang simulan ng Senado ang 2025 budget season na may kasamang briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).
“We continue to manage our debt according to the highest standards of fiscal discipline, as we are very vigilant not to max out the Philippine national credit card. As of June, our gross financing stands at 61 percent of the full-year goal of P2.57 trillion. This includes our landmark $2 billion global bond issuance last May, which secured one of our most affordable and cost-effective borrowing costs,” ayon sa Kalihim.
Ang paliwanag pa ni Recto, ang ‘heavy bias’ sa domestic financing ang siyang nagpagaan sa patuloy na ‘redenomination’ ng utang ng bansa sa local currency, ngayon ay kumakatawan sa 68.3% ng total borrowings.
“Kaya hindi po kayo dapat mabahala, dahil ang utang na ito, galing po sa sarili natin. Ibig sabihin, karamihan ng interes na ating binabayad ay napupunta rin lang bilang dagdag na kita ng ating mga kababayan,” ang sinabi ni Recto, sabay sabing pabor sila sa long-term obligations para mabawasan ang pagsandal sa short-term debt at i-minimize ang ‘rollover risks.’
“Currently, long-term debts constitute 79.8 percent of our total portfolio,” dagdag na wika ni Recto.
Sinabi ni Recto na hindi dapat ting Nana ng utang ng bansa sa ‘face value’ at sa halip ay sa tamang daan upang makalkula ito sa pamamagitan ng pagtingin sa debt-to-GDP ratio, na ayon kay Recto ay bumaba simula ng pandemiya.
“Sa unang tingin, tila napakalaki ng ating utang na umaabot ng trilyon. Pero, uulitin ko, hindi po tayo dapat mabahala dito. Dahil hindi nasusukat ang utang ng isang bansa base sa pagtingin lang sa aktwal na laki nito. Mas tamang sukatin ang utang ng isang bansa kung ihahambing ito sa laki ng kanyang ekonomiya—dahil dito nalalaman ang kanyang kakayahan na bayaran ito.” ayon kay Recto.
“Mula sa 60.9 percent noong 2022, bumaba na ito sa 60.1 percent noong 2023. And we are determined to continue pushing it below 60 percent so we have enough buffer in case another crisis hits us.” aniya pa rin.
Muli, binigyang diin ni Recto na walang masama sa pagkakaroon ng utang ang bansa.
“As long as the money is used for the right purposes such as growing the economy, which in turn, creates more jobs, increases income, and provides more revenues for the government,” ang sinabi ni Recto.
Tinukoy ang geopolitical tensions, sinabi ni Recto na ang ‘cost of borrowings’ ay tumaas sa post-pandemic dahil itinaas ng central banks ang kanilang interest rates para labanan ang inflation.
Binigyang kredito naman ni Recto ang nagpapatuloy na pagbabago sa debt-to-GDP ratio simula ng pandemiya bilang isa sa mga dahilan kung bakit nananatiling mataas ang credit ratings ng bansa.
Tinukoy ang 2024 budget, isiniwalat din ni Recto na sa average, gumasta na ang pamahalaan ng mahigit sa P15 billion araw-araw, kung saan tanging mahigit sa P11 billion ay suportado ng government revenues, iniwan naman ang natitira para pondohan mula sa utang.
Iniulat din ni Recto na lumago rin ang expenditures ng 14.6% mid-year ng P2.76 trillion, katumbas ng 21.9% ng GDP habang ang fiscal deficit para sa first half ay nananatiling nakatayo sa P613.90 billion.
Samantala, sa porsiyento ng GDP, sinabi ni Recto na ang deficit ay nananatiling ‘very manageable’ sa 4.9% sa first semester, sa ibaba ng 5.6% ng full-year target.
Inaasahan naman ni Recto ang 0.3% average ng annual growth sa kabuuang kita. Kris Jose