MANILA, Philippines – Nakatakdang palitan ng municipal councilor ng Bamban, Tarlac si Alice Guo bilang acting mayor ng naturang bayan.
Ito ay matapos na ipag-utos ng Ombudsman ang tuluyang pagpapatalsik sa sinuspindeng alcalde dahil sa grave misconduct, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos nitong Miyerkules, Agosto 14.
Ani Abalos, pansamantalang magsisilbing alkalde si Municipal Councilor Erano Timbang sa loob ng tatlong buwan.
Si Timbang ay na-acquit ng anti-graft court dahil sa pagtutol sa pagbibigay ng permit sa ni-raid na POGO firm sa kanilang bayan.
“Konsehal siya ng Sangguniang Bayan. Councilor siya pero nag-oppose nung kinukuha ang permit. Since he opposed, he was absolved or acquitted by the Ombudsman,” pagbabahagi ni Abalos.
“Siya ngayon ang tatayong mayor for three months, kasi after three months tapos na ang vice mayor, by succession na ‘yan,” dagdag pa niya.
Manunumpa si Timbang bilang acting mayor sa Camp Crame sa Quezon City ngayong araw.
Sinabi rin ni Abalos na inatasan na niya ang DILG regional director na magpasa ng ulat sa pagpuno sa mga bakanteng pwesto kasunod ng suspension sa iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
“Sana galangin natin ang decision ng Korte…Ito ay dumaan sa proseso, sana galangin natin ito,” dagdag ni Abalos.
Sa 25 pahinang desisyon na inilabas sa media nitong Martes, ipinag-utos ng Ombudsman ang dismissal ni suspended Mayor Guo dahil sa grave misconduct.
Inalisan din ito ng karapatan sa lahat ng kanyang retirement benefits at ang perpetual disqualification sa pag-upo sa anumang opisina ng pamahalaan.
Ang pagkakaugnay umano kay Guo sa nilusob na POGO hub sa kanyang bayan ay nagpapakita ng “willful intent on her part to violate the law or disregard established rules,” ayon pa sa Ombudsman.
“The series of acts are interconnected leaving no other conclusion than that they were committed by Guo with ulterior motive or self-interest,” saad pa sa desisyon.
Ito ay batay sa inihaing reklamo ng DILG na nag-aakusa kay Guo at sa iba pang local official sa pagsasagawa ng grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty, at conduct prejudicial sa interes ng serbisyo.
Bukod dito, sinuspinde rin ng Ombudsman ng tatlong buwan ang mga sumusunod na opisyal matapos na mapatunayan ang mga ito na guilty sa conduct prejudicial to the best interest of service:
Bamban Vice Mayor Leonardo Anunciacion
Business Permit and Licensing Officer Edwin Ocampo
Municipal Legal Officer Adenn Sigua
Sangguniang Bayan member Johny Sales
Sangguniang Bayan member Jayson S. Galang
Sangguniang Bayan member Nikko T. Balilo
Sangguniang Bayan member Ernesto Salting
Sangguniang Bayan member Jose M. Salting Jr.
Sangguniang Bayan member Robin Mangiliman
Sangguniang Bayan member Jose Casmo Aguilar
Sangguniang Bayan member Mary Andrei Lacsamana, and