Home HOME BANNER STORY Higit 55,000 pulis, security personnel, ipinakalat sa Balik-Eskwela 2026

Higit 55,000 pulis, security personnel, ipinakalat sa Balik-Eskwela 2026

1
0
via PNP FB video

MANILA, Philippines – Nagdeploy ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 55,000 security personnel sa buong bansa bilang bahagi ng Oplan Balik-Eskwela para sa School Year 2026–2027.

Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., kabilang sa deployment ang 28,751 PNP personnel, 4,079 mula sa iba pang yunit, at 22,677 force multipliers mula sa mga partner agency at community organizations.

Naglagay rin ang PNP ng 9,319 Police Assistance Desks sa mga paaralan at nagtalaga ng 9,525 mobile patrol units upang mapalakas ang seguridad, traffic management, at mabilis na responde sa mga school zone.

Tiniyak ni Nartatez sa mga magulang at estudyante na nananatiling ligtas ang mga paaralan sa pagbubukas ng klase.

Samantala, inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Oplan Balik Eskwela mula Hunyo 1 hanggang 11 upang matiyak ang maayos na paghahanda ng mga paaralan.

Ipinakilala rin ng DepEd ang “Project Handa,” isang school readiness tracking system na tutukoy sa kakulangan sa imprastraktura, kalinisan, teknolohiya, at learning materials sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, layunin ng programa na mapabuti ang pangangalap ng datos at matiyak na maibibigay ang kinakailangang suporta sa mga paaralan bago ang pagbubukas ng klase.

Nilinaw naman ni DepEd Assistant Secretary Jocelyn Ansaya na peke ang mga kumakalat na ulat tungkol sa suspensyon ng klase.

“Fake news yan (class suspension)… Tuloy na tuloy na sa June ang pasukan,” ani Ansaya.

Sa ngayon, halos 26 milyong estudyante na ang nakapag-enroll para sa School Year 2026–2027, at inaasahang aabot sa humigit-kumulang 26.4 milyon ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ngayong taon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here