Home METRO MWP sa Calabarzon arestado!

MWP sa Calabarzon arestado!

138
0

CAVITE- Nadakip ang isang lalaki na inaakusahan ng murder at isa sa most wanted persons sa Calabarzon sa Trece Martires City nitong Miyerkules.

Kinilala ng Cavite Police Provincial Office (PPO) ang suspek na si alyas Carlito, isang 67-anyos na residente ng Pasay City.

Matapos ang ilang buwang koordinasyon at case build-up, naaresto ng Trece Martires Component City Police Station (CCPS) personnel sa ilalim ng pamumuno ng Lt. Col. Michael D. Batoctoy, si alyas Carlito.

Inilabas ng Regional Trial Court Branch 23 sa Trece Martires City ang arrest warrant na walang inirekomendang piyansa.

Inihayag ni Cavite PPO Director Col. Eleuterio M. Ricardo, Jr. ang patuloy na kampanya laban sa mga tumatakas sa batas at tiniyak ang hustisya para sa mga biktima. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here