MANILA, Philippines- Arestado ang dalawang babae, tinukoy na high value individuals, sa isang operasyon ngayong Biyernes.
Pinangunahan ng Southern Police District Drug Enforcement Unit ang operasyon bandang ala-1:15 ng madaling araw sa Barangay Rizal, Taguig.
Base sa mga pulis, ang mga nadakip na suspek ay sina alyas Arianne, 37, at alyas Joann, 19.
Nauna nang nahuli ang dalawang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Sa nasabing operasyon, nakumpiska ng mga awtoridad ang anim na plastic packs na naglalaman ng hinihinalang shabu, may bigat na 450 gramo na may estimated street value na P3.06 milyon. Kabilang pa sa mga narekober ang P1,000 na ginamit na marked money, 19 piraso ng boodle money, at isang cell phone.
Magsasampa ng kaso ang mga pulis laban sa dalawang babae sa paglabag sa Republic Act 9165 sa Taguig City Prosecutor’s Office. RNT/SA