Home HOME BANNER STORY Litson sa La Loma ligtas sa ASF

Litson sa La Loma ligtas sa ASF

101
0

MANILA, Philippines – Siniguro ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na ang “lechon” o inihaw na baboy na ibinebenta sa La Loma ay ligtas sa African Swine Fever (ASF).

Kinumpirma ng Veterinary Department inspector ng Lungsod na si Paul Patinio na noong Agosto 15, wala pang naiulat na kaso ng ASF o iba pang sakit sa mga baboy na dinala sa lungsod.

Sinabi rin ni Patinio na nagsagawa sila ng masusing 24/7 inspection at checking sa mga dokumento gayundin ang pagsusuri sa kalidad at amoy ng mga baboy upang matiyak na ligtas itong kainin.

“Binabasa po natin yung documento na dala nila, tinitignan din natin yung quality kung okay pa po ba or kung wala pong problema sa baboy. Dito naman po wala pa namang problema” aniya.

Sinabi ng mga nagtitinda ng lechon o inihaw na baboy na hindi sila apektado ng ASF at tiniyak na ligtas kainin ang kanilang mga produkto.

Idinagdag nila na hindi sila pinapayagang magkatay ng baboy para sa lechon maliban kung ang mga baboy ay sumailalim sa inspeksyon sa umaga o sa gabi bago ang paghahanda.

Dagdag pa ng mga nagtitinda, nag-aangkat sila ng mga baboy para sa lechon mula sa iba’t ibang lokasyon, kabilang ang Cebu, Marinduque, Masbate, Mindoro, Romblon, Quezon province, at Tuguegarao sa Cagayan.

Noong Agosto 13, inihayag ng lokal na pamahalaan ang pagtatatag ng mga livestock at poultry checkpoints sa loob ng lungsod bilang pag-iingat bilang tugon sa kamakailang pagsiklab ng ASF sa ibang bahagi ng bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here