Home ENTERTAINMENT Kuya Boy, may payo sa ama na hiniling na mamatay ang anak!

Kuya Boy, may payo sa ama na hiniling na mamatay ang anak!

203
0

Manila, Philippines – Hindi nagpapigil ang King of Talk na si Boy Abunda na bigyan ng payo ang isang ama na hiniling na mamatay na ang mga anak.

Ito ay nangyari sa segment ng ‘Case 2 Face’ segment sa episode ng ‘CIA with BA’ kamakailan.

Ang CIA with BA ay tinitimon nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano kasama si Boy.

Nagreklamo kasi si Erwin laban sa kanyang nakababatang kapatid na si Jeffrey dahil sa pagiging lasinggero nito.

Ibinahagi ni Erwin na kapag nalalasing si Jeffrey, nagsasabi ito ng masasakit na salita sa kanyang mga anak at minsan ay sinasabi pa nitong mamatay na sana sila para magkaroon siya ng pakinabang mula sa pera na nakolekta mula sa abuloy sa kanilang libing.

Sinabi rin ni Erwin na dumulog siya sa programa kahit na siya ay humingi na ng tulong mula sa barangay upang makatanggap ng maayos na counseling si Jeffrey at malaman ang mga kahihinatnan ng kanyang mga aksyon.

Bagama’t sa simula ay sinubukan ni Jeffrey na itanggi ito, sa huli ay inamin niya na talagang napapasobra siya sa pag-inom, na nagiging sanhi ng kanyang mainit na ulo.

Inamin din niya na nagpunta siya sa alak upang makalimutan ang pagkamatay ng kanyang asawa at isang anak, na nagdulot ng pag-abandona sa kanyang ibang mga anak.

Sinabi ni Kuya Boy na, “’Importante na nakikinig tayo. Importante ‘yung sinasabi natin palagi na may intervention — isang tao na iginagalang, isang tao na nagsasabing, ‘Dahan-dahan. Medyo hindi na tama ang iyong ginagawa.”

Sinuportahan kasi ni Kuya Boy ang paghingi ng tulong o payo ni Erwin sa CIA with BA.

Ipinaliwanag naman ni Ate Pia kay Jeffrey na malinaw sa batas na obligasyon niyang alagaan ang kanyang mga anak.

Ipinangako ng programa na tutulungan si Jeffrey sa counseling at bibigyan ng suporta ang kanyang mga anak, lalo na si Jeremy na nangangailangan ng medikal na check-up.

“Hindi mo kontrolado ang aksyon ng isang tao, pero kontrolado mo ang reaksyon mo,” sabi ni Kuya Alan habang ibinabahagi ang kanyang natutunan mula sa isyu.

“Magkapatid na parehong maganda ang intensyon pero they’re hearing different things. So, ang dating kay Jeffrey pinapakialaman siya, ang dating naman kay Erwin nagmamalasakit siya. Ang dating kay Erwin tumutulong siya, ang dating naman kay Jeffrey nilalait sinusumbatan siya,” patuloy niya.

“Maraming bagay ang gusto nating baguhin, pero magsimula tayo sa ating reaksyon sa mga nakikita natin, lalo na kung sa tingin natin mali,” pagtatapos niya.

Ang ‘CIA with BA’ ay mapapanood tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, na may replays sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 p.m. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here