Manila, Philippines – Umattend na ng Senate Hearing sina Jojo Nones at Richard Cruz kung saan nagkaharap sila ng nang-aakusa na si Nino Muhlach.
Nabanggit ni Nino na 500 pesos na “wrapped like a straw” yung ginamit sa umanong powdery substance na hinalo sa inumin ni Sandro Muhlach. Hindi na niya dinetalye kung sa harap ba ni Sandro naganap ang pagtaktak ng powdery mix.
Iginiit ng dalawang akusado na inosente sila at pinasinungalingan ang sinabi ni Nino. Sey nila ay bakla sila pero di ibig sabihin ay may masama na silang ginawa.
Ginawang biro ni Sen. Jinggoy Estrada ang pangalan ng isang akusado na “Dodo” na hindi raw pala “dede”
Taliwas sa statement ni Nino, ang pagsosorry daw ni Jojo ay iba ang konteksto: “We’re very sorry pero wala po kaming masamang ginawa sa anak niya.”
Para kay Jinggoy ay admission of guilt yun pero kung tatanungin mo ang mga Pepe at Pilar ng industriya, ang equivalent ng “sorry” ay “teh” na may pagka-sarcastic ang dating, na posibleng sabihin ng isang taong pakiramdam ay siya ang napagbintangan, lalo pa kung umiiyak si Nino noong nakausap nila.
Magkaiba rin ang statement ng dalawang panig ukol sa text messages.
Sa panig ng dalawang akusado ay na-reveal na si Jojo ang katext ni Sandro pero ang reply nito sa tanong ng 23-year-old actor kung pwede bang dumaan eh “we’re wrapping up” o patapos na.
Ang Sparkle artist daw talaga ang unang nag-initiate ng message.
Kung ayon ke Sandro as repeated by Nino, eh, siya ang inalok ng wine ng mga akusado, sey ni Jojo, eh, si Sandro ang nagtanong kung pwede ba siyang uminom ng alak.
Nauwi sa closed-door executive session ang remainder ng senate hearing.
Sa isang maikling panayam kay Nino ay sinabi niyang nakagaan naman ng loob niya ang nangyari sa loob at evident ito kasi napangiti siya nang kinongratulate namin siya sa opening ng new bakery branch niya sa Gateway Mall.
Coincidentally, parehong araw ito ng unang beses ng pagpunta ni Sandro sa NBI kasama ang kanyang girlfriend na si Shanelle Agustin para magsampa ng reklamo.
Binigyang-linaw ni Nino na July 21 nang gabi sila nagkita ni Sen. Bong Revilla para humingi ng tulong at pangatlong beses na ng binata ikinwento ang nangyari.
Personal knowledge naman ng kaso meron ang kapatid ni Sandro na si Alonzo dahil ito ang harapang kinwentuhan ng aktor ng kanyang karanasan. Trixie Dauz