MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Biyernes, Agosto 23 na 11,121 sa 22,539 ang pumasa sa Licensure Examination para sa mga Criminologist.
Ang pagsusulit ay pinangasiwaan ng Board of Criminology noong Hulyo 31 at Agosto 1–2 sa 22 testing center sa buong bansa.
Si Alyssa Eliana Nazaire Bautista ng Araullo University ang topnotcher na may score na 92.10 porsyento.
Nagtabla naman sina Jericho Aguilon Suarez ng Unibersidad ng Mindanao-Davao City at Renier Andrian Barbacena Togño ng Naga College Foundation sa 2nd place sa iskor na 91.50 porsyento.
Sina Mark Rio Domingo Guadalquiver ng Unibersidad ng Mindanao-Tagum at Leziel Tumampos Jucotmaya ng Holy Name University (dating Divine Word-Tagbilaran) ay kapwa nasa ikatlong pwesto sa iskor na 91.30 porsyento.
Nagtabla sa 4th place sina April Joyce Salazar Hampac ng Southern Capital College at Roshen Novian Pansoy Mapang ng University of Cebu-Banilad sa iskor na 91.15 porsyento.
Nasa 5th place naman si Kaye Angelie Torio Francisco ng University of Mindanao-Davao City na may score na 91.10 porsyento.
Sina Jimpol Cabargada Gomez ng Mabini Colleges Inc. at Christian Molero Serabia ng Burauen Community College ay nagbahagi ng ika-anim na pwesto sa iskor na 91 porsyento.
Nasa 7th, 8th, at 9th places sina Ryan Christopher Calamaya Lim ng Visayas State University-Tolosa (90.95 porsyento), Jenny Marie Gordillo Ypil ng University of Mindanao-Davao City (90.90 porsyento), at Abigail del Mundo Gandol (90.85 porsyento) ng Batangas State University-Batangas City, ayon sa pagkakabanggit.
Nasa ika-10 pwesto naman sina John Carlo Montoya Cabral ng Holy Cross College-Pampanga, Renz Dinglasan dela Cruz ng Coland Systems Technology-Cotabato, at Charliemae Quezada Talisic ng Saint Theresa College-Tandag, bawat isa ay may markang 90.80 porsyento.
Sinabi ng PRC na simula Setyembre 30, isasagawa online ang pagpaparehistro para sa pagbibigay ng Professional Identification Cards (IDs) at Certificates of Registration.
Sinabi ng PRC na ang mga petsa at lugar para sa oathtaking ceremonies ng mga bagong matagumpay sa pagsusulit ay iaanunsyo sa ibang pagkakataon. Jocelyn Tabangcura-Domenden