Home METRO Rebelde patay sa engkwentro sa Antique

Rebelde patay sa engkwentro sa Antique

140
0

MANILA, Philippines – Napatay ang rebeldeng miyembro ng New People’s Army nang makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa Valderrama, Antique nitong Sabado ng umaga, Agosto 24.

Ayon kay Lt. Col. Arturo Balgos, Jr., commander ng Philippine Army 61st Infantry Battalion, nakaharap ng tropa ng pamahalaan ang pitong rebeldeng NPA sa limang minutong engkwentro sa Barangay Calyat bandang alas-9 ng umaga.

“The six rebels retreated, leaving one of their comrades dead,” ani Balgos.

Narekober ng mga sundalo ang dalawang assault rifles, M16 at M14, na may live ammunition at dalawang mahabang magasin ng M16 rifle.

Dinala naman ang napatay na rebelde sa Philippine Army Detachment sa Valderrama sa pagtukoy ng pagkakakilanlan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here