MANILA, Philippines- Magdudulot ng ulan ang Southwest Monsoon (Habagat) sa Visayas, Mindanao, at ilang bahagi ng Luzon ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.
Inaasahan sa Visayas, Mimaropa, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Quezon, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ang maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa monsoon. Posibleng magresulta sa flash floods o landslides ang “moderate to at times heavy rains.”
Makararanas naman ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Calabarzon at Mindanao ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa Habagat. Tuwing severe thunderstorms, nakaamba ang flash floods o landslides.
Nagbabadya sa natitirang bahagi ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms. Sakaling tumama ang severe thunderstorms, posibleng makaranas ng flash floods o landslide.
Binabantayan din ng PAGASA ang Bagyong Shanshan na nasa laba ng Philippine Area of Responsibility.
Samantala, ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong bansa.
Sumikat ang araw ng alas-5:44 ng umaga at lulubog ng alas-6:12 ng hapon. RNT/SA