Home NATIONWIDE DOH: Pinakabagong mpox patient nakauwi na

DOH: Pinakabagong mpox patient nakauwi na

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Linggo na ang pinakabagong pasyente na nasapul ng mpox sa Pilipinas ay nakauwi na, at nakumpleto na ang contact tracing sa kaso.

Sa ulat, sinabi ng DOH na ang mpox ng pasyente ay ang Clade II variant. Ayon pa kay Health Secretary Teodoro Herbosa sa isang panayam, walang kupirmadong kaso ng clade Ib, isang bagong strain na responsable sa outbreak sa Africa, at mga kasong naiulat sa Sweden at Thailand.

Sinabi ni Herbosa na nasa proseso rin ang Pilipinas ng pagbili ng 2,000 doses ng mpox vaccines na inialok sa bansa.

Nauna nang ibinabala ng kalihim ang community transmission ng mpox, matapos maiulat ang unang kaso na isang 33-anyos na lalaki mula sa Metro Manila at walang travel history sa ibang bansa. RNT/SA