Home NATIONWIDE Cassandra Ong muling kinontemp ng Kamara

Cassandra Ong muling kinontemp ng Kamara

144
0

MANILA, Philippines (UPDATED)- Matapos mapikon ang mga mambabatas dahil sa pag-iwas na sagutin ang mga katanungan ng mga mambabatas ay tuluyang na-cite in contempt si Katherine Cassandra Li Ong nang humarap ito sa ikatlong pagdinig ng Quad Com.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na na-cite in contempt si Ong, isa sa stakeholders ng Whirlwind Corporation na nagpaupa sa isang POGO hub, ang Lucky Star 99 sa Porac, Pampanga dahil sa patuloy nitong pag-iwas sa imbitasyon ng Kamara na dumalo sa pagdinig.

Ang pag-contempt kay Ong ay isinagawa matapos ang mosyon ni Manila Rep. Bienvenido Abante, chairman ng House Committee on Human Rights na myiembro ng Quad Com kasunod ng mga sagot ni Ong ng “invoking her right against self-incrimination” na kalaunan ay nauwi sa “I refuse to testify.”

Si Ong ay pansamantalang ilalagak sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong hanggang sa matapos ang pagdinig ng Quad Com sa mga isyu ng POGO, extra-judicial killing at ilegal na droga sa bansa.

Matatandang naditene si Ong sa Kamara noon pang Agosto 23 matapos na siya at si Shiela Guo, sinasabing kapatid ng napatalsik na si Bamban Mayor Alice Guo, ay mahuli sa Indonesia at saka ito naibalik sa Pilipinas.

Sa nabanggit na pagdinig ay inamin ni Ong na siya ay nagtungo ng Malaysia kung saan ay nagkita sila ng kaniyang kasintahan na si Wesley Guo, sinasabing kapatid ni Alice Guo at saka sila tumuloy ng Indonesia.

Samantala, sa pinakabagong ulat, kinalos na ng House Quad Committee nitong Miyerkules ng gabi ang ikalawang contempt order laban kay Cassandra Li Ong, na maglalagay sana sa kanya sa ilalim ng kustodiya ng Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.

Ito ay ilang oras matapos na si Ong — iniuugnay sa ilegal na operasyon ng POGO sa Porac, Pampanga — ay ma-contempt dahil sa pagtangging sumagot sa mga katanungan ng mga mambabatas sa pagdinig.

Subalit, nananatili naman ang unang contempt order kay Ong, kaya nasa ilalim pa rin siya ng kustodiya ng House of Representatives. Meliza Maluntag/Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here