Home METRO 2 kelot na nanggahasa sa dalagita laglag sa Maynila

2 kelot na nanggahasa sa dalagita laglag sa Maynila

193
0

MANILA, Philippines – Laglag sa kapulisan ang dalawang lalaki na pinagtulungang gahasain ang isang 17-anyos na dalagita sa Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District, bukod sa dalawang suspek ay may kasama pa itong menor de edad na lalaki at kaibigan ng biktima nang isagawa ang krimen.

Ani MPD commander PBGen Arnold Thomas Ibay, inimbitahan umano ang biktima ng kaibigang menor de edad sa isang birthday celebration Linggo ng umaga.

“Ginamit ‘yon na dahilan para maimbitahan itong ating victim. At no’ng nalasing at hindi na kaya ang sarili, doon na siya pinagsamantalahan,” pagbabahagi ni Ibay sa panayam ng ABSCBN News.

Nakapiit na sa Delpan Police Station Custodial Facility ang dalawang suspek na mahaharap sa kasong panggagahasa.

Naaresto rin ang dalawang menor de edad na sangkot sa krimen at nakatakdang i-turnover ng MPD sa Department of Social Welfare and Development.

Isasailalim naman sa counseling ang biktima. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here