Home NATIONWIDE OSG inatasan ni Chiz na magpetisyon ng pagkilala sa 2016 Hague ruling...

OSG inatasan ni Chiz na magpetisyon ng pagkilala sa 2016 Hague ruling vs China

123
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Miyerkules, Agosto 29 ang Office of the Solicitor General (OSG) na maghain ng petisyon na humihiling sa ating korte na kilalanin ang 2016 Hague ruling na pumapabor sa Pilipinas kaysa sa China upang maging bahagi ng bansa.

“Ang tanging legal na basehan ngayon niyan ay ‘yung arbitral award na hinihiling ko nga rin sana sa OSG, binanggit ko ito sa kanila, na mag-file ng petisyon kaugnay ng recognition of foreign judgment para ‘yang desisyong ‘yan ay maging parte na ng batas natin sa Pilipinas,” ayon kay Escudero sa Kapihan sa Manila Bay forum.

Aniya, tanging dahilan ng petisyon ay matiyak na maigigiit ang soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, na inaangkin ng China, na nakadepende sa nakaupong president.

“Bakit [kailangan nito]? Upang sa gayon, ‘di na puwedeng magbago-bago pa ng posisyon sino man ang magiging pangulo ng ating bansa sa darating na panahon,” aniya.

Sinabi ni Escudero na dapat ihain ang petisyon sa lokal na korte.

Sa kanyang tugon, sinabi naman ni Solicitor General Menardo Gueverra na habang may umiiral na desisyon na ipinalabas ang Supreme Court hinggil sa pagkilala at pagpapatupad ng dayuhang desisyon, walang sapat na mekanismo upang maipatupad ito.

Aniya, pangkaraniwang ipinatutupad ang dayuhang desisyon sa pribadong kaso tulad ng divorce, support, at money judgments.

Binanggit din niya ang kahilingan ni Escudero na pag-aaralan ng OSG kung kailangan ng batas upang kilalanin at ipatupad ang a foreign judgment sa Philippine-China Arbitration Case.

“The OSG is currently studying it,” aniya.

Kinasuhan ng Pilipinas noong 2013 ang China hinggil sa legalidad ng pangangamkam nito sa South China kabilang ang ilang bahagi ng West Philippine Sea, sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands.

Nagwagi ang Pilipinas laban sa China na nagbabasura sa nine-dash line ng Beijing. Hindi tinanggap ng China ang desisyon. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here