Home NATIONWIDE 2,400 indibiduwal stranded sa mga pantalan sa hagupit ni bagyong Enteng

2,400 indibiduwal stranded sa mga pantalan sa hagupit ni bagyong Enteng

137
0

MANILA, Philippines – Mahigit 2,400 katao ang stranded dahil naapektuhan ng Tropical Storm Enteng ang operasyon ng iba’t ibang pantalan sa bansa ngayong Lunes, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa isang advisory, sinabi ng PCG na mula 12:00 a.m. hanggang 4 a.m., may kabuuang 2,413 na pasahero, truck driver, at cargo helper ang stranded sa Southern Tagalog, Bicol, at Eastern Visayas.

Karamihan sa mga stranded ay naiulat sa Eastern Visayas na may 1,638, sinundan ng Bicol na may 750, at Southern Tagalog na may 25.

39 na sasakyang pandagat, 610 rolling cargoes, at apat na motorbanca ang na-stranded, habang 15 sasakyang pandagat at 28 motorbanca ang sumilong sa iba pang daungan.

Alas-4 ng umaga nitong Lunes, ang Enteng (internasyonal na pangalan: Yagi) ay matatagpuan sa baybayin ng Vinzons, Camarines Norte, ayon sa bulletin ng PAGASA ng state weather bureau.

Taglay ng bagyo ang maximum sustained winds na 75 km/h malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 90 km/h, at central pressure na 998 hPa.

Kumikilos si Enteng pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here