Home METRO Cavitex toll plaza sa Kabihasnan, P’que permanente nang isasara

Cavitex toll plaza sa Kabihasnan, P’que permanente nang isasara

MANILA, Philippines – Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang permanenteng pagsasara ng Kabihasnan Toll Plaza sa lungsod simula nitong darating na Martes, Setyembre 3.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez na ang malungkot na pag-anunsyo tungkol sa pagsasara ng naturang toll plaza ay naaayon na rin sa pag-abiso sa lokal na pamahalaan ng Cavitex Infrastructure Corporation na siyang namamahala dito.

Ayon kay Olivarez, ang mga motorista maaapektuhang motorista na regular na dumadaan sa naturang toll plaza patungong Cavitex ay maaaring gumamit ng alternatibong daan sa Cavitex C5 Link Sucat Entry na malapit sa Ninoy Aquino Avenue.

Dagdag pa ni Olivarez na ang Kabihasnan Toll Plaza ay ginagamit bilang alternatibong daan ng mga motorista patungo sa Coastal Road hanggang sa makarating sa kani-kanilang mga destinasyon.

Para sa karagdagang kaalaman ay pinayuhan din ni Olivarez ang mga motorista na tumawag sa 1-3500 o dili kaya ay magtungo sa MPT DriveHub app na kanilnag mobile device. (James I. Catapusan)