Home METRO 8K San Joseño, nagtirik ng kandila, nagdasal ng solusyon sa water crisis

8K San Joseño, nagtirik ng kandila, nagdasal ng solusyon sa water crisis

3
0
City of San Jode Del Monte Public Information Office/ 📷Kenneth Que

BULACAN, Philippines – Nasa halos 8,000 San Joseño ang nagsama-samang nagtirik ng kandila at nagdasal sa isinagawang prayer vigil na may temang “Agos ng Pag-asa, Tubig ay Buhay” nitong gabi ng Martes, June 9 sa isang malawak na parke sa San Jose Del Monte (SJDM).

Sa tala ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, pinangunahan ang pagtitipon ng mga lider mula sa Islamic, Christian at Roman Catholic community na dinaluhan ng 8,000 San Joseño,

Buong-puwersang dinaluhan din ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna nina Mayor Rida Robes, Congressman Arrhur Robes, mga kasapi ng Sangguniang Panlunsod na pinamumunuan ni Vice Mayor Arlene Bartolome-Arciaga, mga kapitan, department heads at iba pa.

Sa kasagsagan ng programa, sabay-sabay sinindihan ang mga kandila bilang simbolo ng himig ng panalangin at bayanihang hiling ng mamamayan para sa kaayusan at permanenteng solusyon sa serbisyo ng tubig.

Gayundin ang panawagan nito sa lahat ng tumindig at makibahagi sa lahat ng aksyon ng City Government upang tuluyan nang matuldukan ang matagal nang krisis sa distribusyon ng tubig sa lungsod. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here