ILIGAN CITY – Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency ang shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon at naaresto ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa seaport interdiction operation sa Barangay Tandu Bato, Luuk, Sulu noong Sabado, Agosto 31.
Kinilala ni PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Director Gil Cesario Castro ang mga suspek na sina Lala Jamih Halisan, alyas Ben, 28, lalaki at, Alwinir Kabran, 20, lalaki.
Narekober sa kanila ang 21 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng dalawang kilo at mga identification card.
Nasa kustodiya sila ng Indanan Municipal Police Station sa Sulu at naghihintay ng inquest proceedings para sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT