MANILA, Philippines – Hindi papayagang makapasok sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu (BMSN) sa Cebu City simula Oktubre 1 ang mga bisitang hindi sumunod sa tamang dress code.
Sa isang pampublikong advisory, sinabi ng Augustinian Friars of the Basilica Community na ang isang dress code policy para sa mga bibisita at makikinig ng mga Misa ay ipapatupad bilang pangako na itaguyod ang kabanalan ng at paggalang sa Basilica.
“Ang panukalang ito ay naglalayong tiyakin na ang lahat ng mga bisita –pilgrims, Mass-goers, o turista — ay nagpapakita ng nararapat na paggalang sa sagradong lugar na ito. Epektibo sa Oktubre 1, 2024, ang Basilica ay hindi na magbibigay ng mga shawl para sa lahat ng mga bisita,” sabi nito.
“To maintain the solemnity of our worship space, those arriving in attire deemed unsuitable for worship or who attempt to wear shawls rented outside the Basilica will be denied entry.”
Dagdag pa ng Augustinian friars na ang mga bibisita lang sa Basilica tuwing weekends ay hindi na hinihikayat maliban na lamang kung dadalo sila sa Eucharistic celebrations.
“Moreover, tourists are discouraged to visit the Basilica on Fridays and Sundays unless they intend to participate in the liturgical services,” dagdag pa.
Ang pagpapatupad ng patakaran sa dress code ay bahagi ng isang mas malawak na pagsisikap na iayon sa mga gawi na sinusunod sa ibang mga simbahan at dambana, parehong lokal at internasyonal, idinagdag nito. RNT