MANILA, Philippines – Tuloy-tuloy ang mga tauhan ng Manila Department of Public Services sa pagkolekta ng gabundok na mga basurang inanod sa gilid ng Manila Bay sa Maynila.
Karamihan sa nakokolekta ng Manila DPS ay mga water lily bagamat may mga basura pa ring nakahalo.

Marami ring mga styro, plastic, mga tsinelas kasama ang mga lalagyan ng pagkain na inanod sa dalampasigan.
Para mabilisan ang hakot, gumamit ang Manila DPS ng mga banyera saka iipunin saka hahakutin ng truck.







