
MANILA, Philippines- Tiniyak ng National Bureau of InvestigationĀ (NBI) na magpapatupad ito ng security plan upang masigurong ligtas ang pagdating ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa Pilipinas matapos itong maaresto ng mga operatiba ng Indonesian government.
Sa ginanap na presscon sa tanggapan ng NBI sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, mula sa NAIA ay dadaan muna sa Bureau of Immigration si Guo para sa iproseso ang lahat ng kanyang mga dokumento bago dadalhin sa NBI.
Paliwanag pa ni Director Santiago, matagal na nilang pinaghahandaan ang mga gagawing security plan sa pagdating ni Guo pero hindi nila ihahayag sa publiko kung anong klasengĀ mga security measures ang kanilang ipatutupad upang mabigyan ng proteksyon si Guo.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Santiago na para maitago ang identity ni Guo ay nagpaputol ito ng kanyang buhok base na rin sa pahayag ng Indonesian government para hindi makilala ng mga awtoridad.
Tiniyak naman ni Santiago na dadaan ng tamang proseso ang lahat bago dalhin si Guo sa Senado. Santi Celario