Home NATIONWIDE PPA: Operasyon ng mayorya ng mga pantalan balik-normal kasunod ng hagupit ni...

PPA: Operasyon ng mayorya ng mga pantalan balik-normal kasunod ng hagupit ni ‘Enteng’

MANILA, Philippines- Balik-normal ang operasyon sa halos lahat ng mga naapektuhang pantalan na sakop ng Philippine Ports Authority (PPA) ngayong ika-4 ng Setyembre taong 2024 matapos maranasan ang Bagyong Enteng.

Wala nang naitalang stranded na mga pasahero sa mga pantalan ngayong araw, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Gayunman, patuloy na nakakaranas ng rainshowers ang ilang parte ng Northern Luzon partikular na ang pantalan sa Claveria at Aparri, Cagayan. Walang naiulat na nasirang pasilidad sa mga pantalan sa buong bansa.

Nananatili namang kanselado ang biyahe ng MV Star San Carlos na may ruta mula Manila patungong Palawan dahil sa umiiral na gale warning sa lugar.

Paalala ng PPA sa mga pasahero, direktang makipag-ugnayan sa kaukulang shipping lines para sa iba pang karagdagang impormasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden