MANILA, Philippines – Naghain si Senador Bam Aquino ng isang resolusyon na humihingi ng imbestigasyon ng Senado sa pagkamatay ng dalawang miyembro ng Ateneo de Manila University (ADMU) men’s basketball team na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili.
Layunin ng imbestigasyon na palakasin ang mga hakbang para sa kaligtasan at mga mekanismo ng pananagutan ukol sa mga aktibidad at sports programs ng ng mga paaralan na ginagawa sa labas ng campus.
Sa ilalim ng kanyang Senate Resolution na isinumite sa pamamagitan ng electronic filing, hiniling ni Aquino sa kaukulang komite na imbestigahan ang mga pangyayari sa likod ng pagkamatay nina Baterbonia at Adili sa isang off-campus activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8, 2026.
“The deaths of Rene Clert Baterbonia and Divine Adili demand a careful and impartial examination of the circumstances that led to the incident, not only to ensure accountability where warranted, but above all to draw lessons that may help prevent the loss of young lives in the future and to provide their families and the public with a full and truthful account of what transpired,” wika ni said.
Bumisita si Aquino sa burol ni Baterbonia noong Huwebes at personal na nagpaabot ng pakikiramay sa kanyang pamilya.
Itinuturing na isa sa mga pinakamagaling na batang basketball player sa bansa, dinala ng 19-anyos na si Baterbonia ang Davao Region sa kampeonato ng Palarong Pambansa 2025 basketball event at tinanghal na Most Valuable Player (MVP) ng torneo.
Samantala, papasok na sana si Adili, isang 21-anyos na Nigerian, sa kanyang ikalawang taon bilang sentro ng Blue Eagles. Noong nakaraang season, sumabak siya sa anim na laro at nag-average na 7.5 puntos, 8.17 rebounds, 0.67 assists, at 0.33 blocks kada laro.
Sa kanyang resolusyon, binigyang-diin ni Aquino na sina Baterbonia at Adili ay sumasalamin sa mga pangarap ng napakaraming student-athlete na nagsisikap magtagumpay sa pag-aaral at sa sports upang matupad hindi lamang ang kanilang personal na mga pangarap kundi upang maiangat din ang kanilang mga pamilya at komunidad.
“They earned opportunities through talent, discipline, and hard work, making their sudden deaths an especially painful loss felt far beyond the basketball court, and a tragedy that resonates with every family that entrusts the safety and well-being of their children to educational institutions,” wika niya.
Ayon kay Aquino, susuriin sa imbestigasyon kung sapat at maayos na naipatutupad ang mga umiiral na batas, regulasyon, at mga patakaran ng mga institusyon na nakasasaklaw sa mga aktibidad na inorganisa ng paaralan, partikular ang mga off-campus sporting, training, at team-building activities.
Layunin din nitong repasuhin ang mga umiiral na patakaran para sa mga off-campus activity na inorganisa ng paaralan, kabilang ang pahintulot ng mga magulang, mga safety protocol, sapat na superbisyon, mga hakbang sa emergency response, koordinasyon sa mga lokal na awtoridad, at iba pang hakbang upang maprotektahan ang mga estudyante.
“It is also necessary to review accountability mechanisms for student activities, including reporting requirements after serious incidents, enforcement of safety standards, and the responsibilities of schools and activity organizers in protecting student welfare,” giit ng Senador.
Bilang chairperson ng Senate Committee on Basic Education, isinusulong din ni Aquino ang mga hakbang upang mapigilan ang bullying sa mga paaralan at plano niyang isama sa kanyang panukalang School Safety Act ang mga probisyong magpapalakas sa mga panuntunan ukol sa kaligtasan para sa mga out-of-campus activities.
Nagtapos si Aquino ng elementarya, high school at college sa Ateneo de Manila University. Ernie Reyes