Home ENTERTAINMENT Boobsie, ibinisto, dating sexy star!

Boobsie, ibinisto, dating sexy star!

254
0

Manila, Philippines- Ibinuko ni Willie Revillame sa isang episode ng Wil to Win kung ano ang nakaraan ng standup comedienne na si Boobsie
Wonderland.

Kunwari’y patay malisya pa ang komedyana nang tanungin ni Willie kung kilala nito si Mystica Suarez.

It turned out na ‘yun pala ang screen name na ginagamit mismo ni Boobsie na dati palang sexy star.

Aniya, mga kasabayan niya noon ay sina Camille Roxas, Aya Medel at Ursula Vasquez.

Isang yugto ‘yon ng nakaraan ni Boobsie na aniya’y ibinaon na niya sa limot.

Sa edad na 14 ay Japayuki na raw si Boobsie.

Mukha raw siyang Haponesa in her younger years.

Nang mag-showbiz, starlet ang bagsak niya na nag-i-split mula sa pagtalon sa speaker.

Pilit daw kinalimutan ni Boobsie ang kanyang nakalipas pero kahit nang magtrabaho raw siya sa Dubai ay may nakakilala pa rin sa kanya bilang dating sexy star.

Despite her past na ibinisto ni Willie, the TV host only has nice words for Boobsie.

Napakasipag daw nito who works until dawn to fend for her family. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here