Home OPINION SUMUKO O NAHULI, MALAKI  PA RIN ANG PAPEL NI TORRE

SUMUKO O NAHULI, MALAKI  PA RIN ANG PAPEL NI TORRE

189
0

PINAGTATALUNAN pa sa ngayon kung sumuko o nahuli ang matagal na pinaghahanap ng lider ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy dahil sa mga kasong child abuse at human trafficking.

Hindi makapagsalita si Police Regional Office 11 director PBGen Nicolas Torre III o hindi siya makapagbigay ng detalye kung paano napasakamay ng awtoridad ang matagal nilang inabangan at hinainan ng warrant of arrest sa mismong 30 ektaryang compound ng KOJC na humantong pa nga sa paghuhukay dahil sa paniniwala ni Torre na nasa lugar lang si Quiboloy.

Maaaring  sumuko nga si Quiboloy sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines kaya tumawag ito at humingi ng saklolo upang mailabas siya nang maayos mula sa compound nito sa Davao City.

Pero malaki ang posibilidad o sasala ang sandok sa palayok pero hindi ang hinala ni Juan dela Cruz at Juan de Sabog na batid ni Quiboloy na sukol na siya kaya humingi na ng tulong at ayaw niyang masabi na siya ay nahuli.

Malaki talaga ang diperensya nang sumuko at naaresto. Pero sa kaso ni Quiboloy, malaki ang ginampanang papel ni Torre sa paglaglag sa kamay ng batas ng pastor na itinuturing ang kanyang sarili bilang “appointed son of God’.

Naging matatag si Torre sa lahat ng hamong kanyang kinaharap mula nang siya ay maitalaga nilang regional director ng PRO 11. Nagsimula sa away nila ni Davao City Mayor Baste Duterte, hanggang pagsagot sa mga akusasyon ng abogado at panlalait ng mga tao hanggang sa paghamon ni dating heneral at ngayon ay senador Ronald “Bato” Dela Rosa, lahat ay hinarap ni Torre.

Pero sa finals, nagbigay daan na ang heneral sa kung sino ang dapat maging bida o bayani sa paglaglag sa kamay ng batas ni Quiboloy.

Bagaman, ganyan lang ang pangyayari, hindi maitatago na napakalaki ng papel ni Torre. Malaki ang tiwala sa kanya ng Philippine National Police hierarchy at naging malaki ang tiwala sa kanya ni Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr.

Hindi kaya lumalabo ang pag-asa ni Criminal Investigation and Detection Group chief PMGen Leo Francisco na masalo mula sa kanyang mistah na si PMGen Jose Melencio Nartatez Jr. ang National Capital Region Police Office?

Matagal nang inaasam ni “Paco” ang NCRPO pero mukhang mabubulilyaso. Kapag maganda ang itinanim, maganda rin ang aanihin, ‘di ba Gen. Nick Torre?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here