Inaprubahan ng Senado sa ikatlo ang huling pagbasa nitong LUnes ang panukalang batas upang aamendahan ang Republic Act 8178 o ang Agricultural Tariffication Act na pangunahing inawtor ni Senador Cynthia Villar.
Sa botong 23-0-0 votes, layunin ng Senate Bill 2779 na aamendahan ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa pagpapalawig nito hanggang 2031 at itaas ang taunang badyet mula sa dating P10 bilyon tungo sa P30 bilyon kada taon.
“The P30 billion will be used to fund farm machinery and equipment; propagation, distribution and promotion of high quality inbred rice seed; financial assistance to farmers and their training; and irrigation and composting facilities projects,” ayon kay Villar, sponsor ng panukala.
Ikinatuwa naman ni Villar ang mabilisang pagkilos ng Mataas na Kapulungan dahil palalawakin ng panukala ang sakop at benepisyong makukuha ng magsasaka kada taon.
“I am very happy for the passing of the extension of the RTL in the Senate, which will provide for expanded scope and benefits for our rice farmers in the Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) and will allow more farmers cooperatives and associations to be served for them to be able to provide affordable rice to our consumers in the next six years,” ayon kay Villar.
Sa kanyang interpelasyon, sinabi ni Senador Risa Hontiveros na kapag itinaas sa halagang P30 bilyon ang pondo, magsisilbi itong “necessary antidote” kapag ibinaba ang taripa sa inaangkat na bigas.
Ibinaba ng Executive Order No. 62 ang tariff rate na ipinapatong sa pag-aangkat ng bigas mula sa dating 35% tungo sa 15% hanggang 2028.
Nakatakda din sa panukala na inatasan ang Congressional Oversight Committee on Agricultural and Fisheries Modernization (COCAFM) na magsagawa ng periodic review sa RCEF.
Inatasan din ng batas ang Philippine Institute for Development na magsagawa ng independent mid-term zt end-term evaluation sa panukala upang tasahin ang pagiging epektibo nito at magsumite ng resulta sa COCAFM.
Nakalagay din sa batas ang probisyon na inatasan ang Department of Agriculture (DA) Bureau of Plant Industry na magsagawa ng regular inspections at mangolekta ng dato sa lahat ng grain warehouses.
BInigyan ng kapanguyarihan ng batas ang DA secretary na magdeklara ng isang food security emergency sanhi ng kakapusan ng suplay ng bigas o di maipaliwanag na pagtaas ng halaga ng butil.
May kapangyarihan din ang Pangulo na ihinto o ipagbawal ang importasyon o itakda ang dami ng aangkatin kapag mas marami ang suplay sa inangkat at inani na bigas na itinitinda sa pamilihan sa loob ng espisipikong panahon at dami.
Inatasan din ng batas ang National Food Authority na i-dispose ang lumang buffer stock isang buwan bago mapaso ang butil. Ernie Reyes