Home ENTERTAINMENT Ariel, may babala, itinangging nanghihiram ng pera!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ariel, may babala, itinangging nanghihiram ng pera!September 10, 2024 14:521280 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Gagawa at gagawa talaga ng kalokohan ang ilan nating mga kababayan kumita lang ng pera sa maruming paraan.The latest to have been scammed ay si Ariel Rivera.Ang siste, may isang taong nagpapanggap bilang si Ariel who uses his Facebook account.Agad na inalerto ni Ariel ang publiko.Through her Instagram account, inilabas ng asawa niyang si Gelli de Belen ang fake FB account ng singer.“Mga kaibigan, hindi po ako ito. I don’t have a Facebook account.“These people have been trying to scam other people. Let them know that they have been exposed!” babala ni Ariel.Nagkabistuhan nang hinihingan ng pera ng poser ang isang kaibigan ni Ariel mula sa Oslo, Norway.Buti na lang, pinairal ng Oslo-based friend ang kanyang sense of judgment.Bago raw kasi muntik nang magbitiw ng perang hinihingi mula sa kaibigang ‘yon ni Ariel ay tumawag muna ito kay Gelli to check.Nagulat nga raw si Ariel na pati nananahimik niyang kaibigan mula sa malayong bansa ay natunton ng scammer.Reaksyon ng singer-actor: “It’s unfortunate that some people prey on those who make an honest living!”Bago rito, naiulat nang may naglipana ring fake direk Joel Lamangan na nangungutang ng pera gamit ang Facebook.Mariing itinanggi ito ng film director na ni minsan daw ay hindi nangutang ng pera sa tanang buhay niya. Ronnie Carrasco III