Home HOME BANNER STORY Rebeldeng komunista walang karapatang humirit ng kondisyon sa peace talks – NSC

Rebeldeng komunista walang karapatang humirit ng kondisyon sa peace talks – NSC

MANILA, Philippines – NANINIWALA ang National Security Council (NSC) na hindi dapat humihirit ng mga kondisyon ang Communist Party of the Philippines (CPP), National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at National People’s Army (NPA) para sa nagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan kasama ang gobyerno.

Ang National Security Council (NSC) ay “committed to the peace talks… provided that they will give up the arms struggle,” ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya.

“The CPP-NPA-NDF must not insist on conditions para magbunga ito, like iyong sinasabing ceasefire, iyong sinasabing release of the quote unquote detainees nila na nasa—nasa sa mga kulungan natin ngayon at iyong pagtanggal noong terrorist designation, kailangan wala iyon sa usapan,”ang sinabi pa ni Malaya.

“Ang mahirap kasi dito, sinasabi nila na kami nga daw sa NSC ang ayaw ng peace talks, when in fact, it’s them na mayroong tinatawag na contradictory statements,” dagdag na wika nito.

Winika pa ni Malaya, sa Disyembre, sinabi ng NDF na handa itong isuko ang kanilang armed struggle, subalit ang kanilang armed wing ay nagsabi na hindi.

“Ang panawagan natin sa CPP-NPA-NDF in particular si Julie de Lima the widow of Joma Sison, ayusin ninyo iyong posisyon, kasi the government is getting mixed signal also from your group,” anito sabay sabing “If your group is committed to really give up the armed struggle, we are positive partner, na magbubunga itong mga usaping ito.”

Matatandaang kapuwa nilagdaan ng gobyerno ng Pilipinas at rebeldeng komunista ang Oslo communique noong 2023, dahilan para simulan ang “exploratory talks” sa pagitan ng dalawang partido kung oo o hindi na itaas ang peace process para sa insurgents.

“Ang pinag-uusapan kasi ngayon iyong framework, kumbaga papaano natin mararating iyong gusto natin, kasi doon sa Oslo communiqué nagkaroon doon ng kasunduan na there is a commitment—sort of commitment or desire for the CPP-NPA to give up the armed struggle and transform itself into a political movement,” ang winika ni Malaya.

“Former President Rodrigo Duterte had restarted peace talks with communist rebels early in his term, but later on called off the negotiations after multiple violations of ceasefire agreements.

So far, there are less than 10 active units of the CPP across the country,” ani Malaya.

“Ngayong weekend, seven [active units] na lang,” anito.

“Sa tingin ko lima na lang ang maiiwan, so talagang mababa na iyong kanilang numero at malapit na nating maubos iyong ating mga—members ng armed component ng New People’s Army,” ang sinabi pa rin ni Malaya. Kris Jose