Home NATIONWIDE Content creator na nagset-up ng hapagkainin sa tren kinondena ng LRTA

Content creator na nagset-up ng hapagkainin sa tren kinondena ng LRTA

MANILA, Philippines – Kinondena ng Light Rail Transit Authority (LRTA)  ang mga viral video ng isang lalaking nag-set up ng hapag kainan sa isang umaandar na tren ng LRT-2 ay ginawa nang walang kaukulang pahintulot.

Binigyang-diin ng LRTA sa isang pahayag na ang ganitong aktibidad ay ipinagbabawal sa mga lugar at pasilidad ng LRTA.

Sa isang video na nai-post ng “Trionkwentos”, umupo ang isang lalaki sa tabi ng babaeng pasahero at nag-set up ng isang hapag kainan na may dalang kandila at plato.

“We urge content creators to act responsibly by respecting their fellow passengers and adhering LRTA safety security regulations. Safety and consideration for others should always be a priority when using train services,” ayon pa sa LRTA.

Ngunit sa isa sa mga video, naputol ang gimik matapos silang tawagin ng isang security guard sa loob ng tren sa kanilang hindi awtorisado at posibleng hindi ligtas na aktibidad.

“The LRTA reserves the right to take appropriate action against individuals who violate safety and security guidelines,” sabi ng LRTA. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)