MANILA, Philippines — Walang nakasungkit ng jackpot prize sa mga major lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes, Hunyo 4, 2026.
Ayon sa PCSO, walang tumama sa winning combination ng Super Lotto 6/49 na may nakatayang jackpot na P25 milyon. Ang lumabas na numero ay 27-03-02-11-16-25.
Wala ring nanalo sa Lotto 6/42 jackpot na nagkakahalaga ng P14,404,418.27 matapos walang makatama sa kombinasyong 02-39-30-10-14-29. RNT