SINABI ng insider na nag-eensayo ng parang baliw o todo ang ensayong ginagawa ni dating heavyweight champion Tyson Fury matapos talunin ni Ukrainian Olexandr Usyk sa una nilang paghaharap noong Mayo.
Muling magsasagupa ang dalawa sa remath sa December 21, 2024 na inaasahang gagawin sa Saudi Arabia ang laban na tinaguriang Usyk vs Fury Part 2.
Sa kanyang Instagram, sinabi ni Fury na marami siyang natutunan sa unang laban.
Hindi maganda ang kundisyon ni Fury sa una nilang paghaharap kaya ito natalo at inaasahang magiging seryoso ito sa kanyang diyeta para sa kanilang rematch.
Sakaling lalaban si Fury na nasa magadang kundisyon at pangangatawan, inaasahang magiging malaking problema ito para kay Usyk sa kanilang remach.
Ayon pa sa insider, magiging mas handa si Fury para sa rematch kaysa sa laban nito noong Mayo pagkatapos nitong malasap ang mapait na unang pagkatalo sa kanyang propesyonal na karera.
Nais ni Fury na durugin at bigyan ng matinding injury si Usyk sa kanilang ikalawang paghaharap.
Kailangang maging razor sharp si Usyk upang talunin si Fury na ngayon ang sumasabak sa matinging paghahanda, ayon sa insider.