MANILA, Philippines- Naisumite na para sa resolusyon ang rape complaint na inihain ng aktor na si Sandro Muhlach laban sa dalawang independent television contractors, ayon sa abogado nitong Huwebes.
Nagsampa si Muhlach ng reklampong rape through sexual assault at acts of lasciviousness laban kina Jojo Nones and at Cruz sa Department of Justice (DOJ) noong Agosto.
“Submitted na po for resolution ang kaso,” pahayag ni Maggie Garduque, abogado nina Nones at Cruz, sa isang panayam kasunod ng preliminary investigation.
Kinumpirma naman ito ng DOJ.
Personal na dumalo sina Muhlach, Nones, at Cruz sa preliminary investigation.
Samantala, sinabi ni Garduque na nagsumite na sila ng counter-affidavit sa reklamo, kung saan itinanggi nila ang mga alegasyon laban sa kanila.
“Pinapabulaanan po namin ‘yung alegasyon ng rape through sexual assault na binibintang sa kliyente po namin,” giit ni Atty. Maggie Garduque sa isang ambush interview. RNT/SA