Home NATIONWIDE Alok ni Alice Guo na pera palit-tulong tatalupan ng DOJ

Alok ni Alice Guo na pera palit-tulong tatalupan ng DOJ

157
0

MANILA, Philippines- Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes na iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang akusasyong nag-aalok si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng pera kapalit ng tulong.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Remulla na matagal nang binubusisi ng DOJ ang mga alegasyon ni dating Senator Panfilo Lacson.

“We’re aware that there’s more to it than meets the eye,” anang kalihim.

Inihayag n abogado ni Guo na si Stephen David na ang imbestigasyon ay “very welcome.”

“Para malaman natin ang katotohanan,” pahayag niya.

Sinabi ni Remulla na naniniwala siyang bilyon-bilyong pera ang inilalabas upang matulungan si Guo.

“I have no idea but I guess it would be in the billions. Maraming— marami siyang support eh. Talagang— ewan ko kung saan nanggagaling ‘yan,” wika ng opisyal.

Sa isang radio interview, matatandaang sinabi ni Lacson na mayroon siyang kaibigang Filipino-Chinese na inalok umano ng P1 bilyon ni Guo.

Giit niya, ang Filipino-Chinese businessman ay mayroong “connections within the circle of the first family.”

“Si Alice Guo nag approach sa kanya, nung bago umalis, no, nung medyo ipit na ipit na at nagtatago na ‘yata. Medyo kumontak sa kanya through a common friend siguro. At ang sabi sa kanya kung malalapit niya si Alice Guo sa kanyang contact,” paglalahad ni Remulla.

Bilang patunay, sinabi niyang nagpakita umano ng larawan ang kanyang kaibigan kasama si Guo.

“Malalim siya eh, malalim ang kanyang laro. Very sophisticated ang laro niya, maybe she’s just extremely talented pero hindi siya ordinary felon,” ani Remulla.

Inilahad din ng opisyal ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), nagsagawa ng raid sa Philippine Offshore Gaming Operator hub sa lugar ni Guo, na nakatanggap sila ng feelers bago pa man ang pagsalakay. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here