Home NATIONWIDE Bebinca humina pero magpapalakas pa rin sa Habagat

Bebinca humina pero magpapalakas pa rin sa Habagat

133
0

MANILA, Philippines – Humina ang Tropical Cyclone Bebinca at naging isa na lamang tropical storm ngunit patuloy na palalakasin ang southwest monsoon o Habagat na magdadala ng mga malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Sa 11 a.m. advisory ng PAGASA, sinabi na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) Biyernes ng hapon o gabi, Setyembre 13, at mananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas.

Huling namataan ang bagyo 1,500 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, taglay ang lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 105 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong north northwestward sa bilis na 20 kph.

Inaasahang magdadala ng malakas hanggang sa intense na ulan ang Habagat na pinalakas ng bagyong Bebinca sa mga sumusunod na lugar:

MIMAROPA
Western Visayas
Sorsogon
Masbate
Negros Occidental

Katamtaman naman hanggang sa malakas na ulan ang mararanasan sa mga sumusunod na lugar:

Zambales
Bataan
Metro Manila
CALABARZON
the rest of Bicol
the rest of the Visayas
Misamis Occidental
Zamboanga del Norte
Lanao del Norte
Lanao del Sur
Maguindanao
Sultan Kudarat
Sarangani

Lalabas din agad ng PAR ang bagyong Bebinca Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.

“In the near term, BEBINCA will remain as a tropical storm and further weakening is not ruled out,” ayon sa PAGASA.

“However, it is forecast to re-intensify into a severe tropical storm tomorrow and may even reach typhoon category over the East China Sea,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here