Home NATIONWIDE Graft case ni Alice Guo ililipat mula Capas pa-Valenzuela RTC

Graft case ni Alice Guo ililipat mula Capas pa-Valenzuela RTC

MANILA, Philippines – Ililipat mula sa Regional Trial Court ng Capas, Tarlac patungong Valenzuela Regional Trial Court ang graft case laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Matatandaan na pinag-utos ng Capas Regional Trial Court Branch 109 ang pag-aresto kay Guo dahil sa graft charges na inihain laban sa kanya.

Sa kabila nito, iginiit ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, na ang graft case ay dapat na hindi inihain sa Capas RTC kundi sa labas ng judicial region kung saan nanunungkulan ang dating alkalde.

Si Guo, na nahaharap sa mga reklamong human trafficking, undesirability at misrepresentation sa ilalim ng Philippine immigration laws, ay ibinalik sa bansa mula Indonesia noong Setyembre 6.

Pinaniniwalaang illegal na lumabas ng Pilipinas si Guo noong Hulyo. RNT/JGC