Home ENTERTAINMENT Danny Tan, may Isa pang biktima?

Danny Tan, may Isa pang biktima?

Manila, Philippines- Pagkatapos ni Gerald Santos, here comes Enzo Almario na umano’y biniktima rin noon ng musical arranger/director/composer na si Danny Tan.

Inilantad ni Gerald si Enzo sa kanyang YouTube channel.

Ito’y makaraang i-post ni Enzo sa kanyang Facebook account na maging siya’y ni-rape din daw ni Tan.

Pero ayon kay Gerald, lumakas lang ang loob ni Enzo nang napanood siya nito sa Senate hearing.

Nag-message daw si Enzo kay Gerald.

Saad ni Enzo: “It took me a while before taking action. But l’m no longer afraid. I was raped by the same person who raped Kuya Gerald!”

Kung matatandaan, nabanggit ni Gerald na sa kanyang pagkakaalam ay meron pang mas bata kesa sa kanya na pinagsamantalahan din ni Tan.

Gerald was 15 then noong panahon ng Pinoy Pop Superstar.

Whereas si Enzo ay dose anyos pa lang noong time na ‘yon, taong 2008.

Bahagi raw si Enzo ng grupong Sugarpop na itinatag ni Tan along with Julie Ann San Jose and Rita Iringan (now Daniela).

Dagdag pa ni Enzo: “I shouldn’t be the one living in feat!”

Patunay lang na buo na ang kanyang loob na ipursige ang kaso laban kay Tan.

Ang tanong–after Enzo, may sumunod pa kaya? Ronnie Carrasco III