Home ENTERTAINMENT Boy Abunda, emosyunal sa kaso ng mag-ina!

Boy Abunda, emosyunal sa kaso ng mag-ina!

Screenshot

Manila, Philippines- Alam ng lahat kung gaano kalaki ang pagmamahal ng TV host na si Boy Abunda sa kanyang namayapa nang ina kaya naman nang idinulog sa programang CIA with BA sa GMA ang kaso ng mag-ina ay lubos itong nagibg emosyunal. Ang host ng nasabing programa ay sina Sen. Alan at Pia Cayetano kasama si Boy.

“At the end of the day you are all a family. At the end of the day, nanay mo pa rin ‘yan and anak ka pa rin niya. So please, let peace be heard at sana ay magkaroon ng kapayapaan ang nagkakagulong mag-ina,” sabi ni Kuya Boy.

“Malalim ang paniniwala ko na ‘pag tayo ay madaling magbitaw ng masasakit na salita, kabaliktaran ang effect no’n. Napakatagal magkaayusan. So let’s be careful,” paalala naman ni Senator Pia.

Sa segment kasi na ‘Case 2 Face’, dumulog si Zeavs kasama ang ate niyang si Mygirl upang ireklamo ang kanilang ina na si Grace.

Ayon kay Zeavs, sinaktan daw siya ng ina nu’ng araw na may hearing sa korte ang kapatid niya laban sa mga anak ni Rolando, ang kinakasama ng kanilang ina.

Ayon pa kay Zeavs, sinabi daw ng ina na kung ipapakulong nilang magkapatid ang mga anak ng kinakasama, titigil sa pag-aaral ang una.

Ikinabahala ni Zeavs ito dahil gusto niyang mag-aral ng industrial engineering sa isang state university kung saan siya ay nakapasa na. Ayon kay Zeavs, sinabi ng ina niya na imbes na gamitin ang pera para sa kanyang pag-aaral, gagamitin ito para sa piyansa ng mga anak ng kinakasama kung sakaling makulong ang mga ito.

Lalong tumindi ang galit ng mga anak dahil sa masasakit na salitang binitiwan ng kanilang ina.

Sa gitna ng diskusyon, ipinaalala nina Senador Alan Peter, Pia at Kuya Boy na kung magkakaisa ang pamilya, mas malayo ang mararating nila. JP Ignacio