Home NATIONWIDE Quiboloy mananatili sa Camp Crame

Quiboloy mananatili sa Camp Crame

MANILA, Philippines – Ililipat sa Pasig City Jail ang apat na kasamahan ng founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy.

Samantala, si Quiboloy naman ay mananatili sa Camp Crame dahil sa “security risk.”

Ang mga kasabwat ni Quiboloy ay sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemane.

Nauna nang naghain ng not guilty plea sina Quiboloy at co-accused nito sa mga reklamong human trafficking.

Inaasahan naman ang arraignment ni Quiboloy sa Quezon City Regional Trial Court Branch 106 ngayong hapon ng Biyernes, Setyembre 13 dahil sa mga reklamong paglabag sa Section 5(b) of Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act at sa ilalim ng Section 10(a).

Matatandaan na naaresto si Quiboloy sa Davao City noong weekend matapos itong bigyan ng ultimatum na kusang sumuko sa loob ng 24 oras. RNT/JGC