Home METRO Maglolo patay; 3 kapamilya grabe sa dagan ng puno!

Maglolo patay; 3 kapamilya grabe sa dagan ng puno!

145
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 64-anyos na lalaki at ang kanyang apo matapos matumbahan ng puno ang kanilang bahay sa Rizal, Palawan.

Nasa kritikal na kondisyon din ang tatlong miyembro ng pamilya.

Samantala, dalawang pasahero ng isang motor banca ang nasagip sa dalampasigan ng Balabac matapos mawalan ng outrigger ang kanilang bangka dahil sa malakas na hangin at maalon na karagatan.

Pabalik na sa bayan ang mga pasahero matapos magbenta ng seaweed nang mangyari ang insidente. Nasa ligtas na kalagayan na ngayon ang dalawa.

Ayon sa Department of Public Works and Highways – Mimaropa, ilang kalsada sa Palawan at Romblon ang nananatiling bahagyang hindi madaanan dahil sa mga structural debris at landslide. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here