Home NATIONWIDE Mga namayagpag sa pinakabagong OCTA senatorial survey kilalanin

Mga namayagpag sa pinakabagong OCTA senatorial survey kilalanin

162
0

MANILA, Philippines- Nanguna ang magkapatid na sina Erwin at Bienvenido “Ben” Tulfo, Vicente “Tito” Sotto III, at Senator Bong Go sa pinakabagong senatorial survey na isinagawa ng OCTA Research.

Lumabas sa Tugon ng Masa third quarter 2024 poll ng independent body na nanguna ang ACT-CIS Partylist representative sa 60% preference, sinundan ni Ben sa 57%. Sila ang nasa una at ikalawang pwesto.

Pumwesto naman si Sotto sa ikatlo hanggang ika-apat sa 50% voter preference, sinundan ni Go sa 49% para sa ikatlo hanggang ika-anim na pwesto.

Magkasama naman sina Panfilo Lacson at Senator Ramon Bong Revilla sa ika-apat hanggang ika-anim na pwesto sa 44% voter preference.

Nakatanggap si Senator Pia Cayetano ng 35% preference para sa ika-pito hanggang ika-12 pwesto.

Sumampa naman sina Senator Francis “Tol” Tolentino at boxing legend Manny Pacquiao sa ika-pito hanggang ika-13 pwesto sa 34% preference.

Kapwa nakatanggap sina Senator Imee Marcos, Senator Lito Lapid, at dating Pangulong Rodrigo Duterte ng 33% preference para sa ika-pito hanggang ika-15 pwesto.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula August 28 hanggang September 2 na nilahukan ng 1,200 respondents na edad 18-anyos pataas.

Tinanong ang respondents ng: “Narito po ang listahan ng mga personalidad na maaring tumakbo sa eleksyon sa Mayo 2025. Kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sinu-sino sa kanila ang malamang na iboboto ninyo bilang SENADOR? Maaari po kayong pumili ng hanggang 12 na pangalan.”

Ang survey ay mayroong ±3% margin of error sa 95% confidence level. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here